Tag-araw na naman. Matatapos na ang klase. Panahon na para maglayag.
—–
Naaalala ko ang mga byahe na ako lang mag-isa. Eto yung mga panahon na feeling ko lahat possible. Mga panahon na tila iisa ang paligid at ang aking presensya. Tinatawag ako muli ng hangin, ngunit binabaon ako ng lupa. Parati akong lumilingon, tinatanaw kung saan ako nanggaling. Natatakot at nagagayak. Sabay na humihinga at lumilipad. Sabi ko ako’y babalik ngunit naiintindihan ko ring walang sigurado sa mundo. Ang abo ang magbibigay kulay, ang bundok ang gabay, ang dagat ang hangganan. Sana dalhin muli ako ng mga tinig kung saan ang aking mga paa, kamay at utak ay magiging isa at pipiliin kong maging pataba sa lupa.
Diliman – Haleakala – Boston